Ang Mabuting Pangalan
Ang Mabuting Pangalan April 23, 2023 (Jin Noriku Osei C. Cabral) Proverbs 22:1 A good name is rather to be chosen than great riches, and loving favour rather than silver and gold. ( Ang mabuting pangalan ay maiging piliin, kay sa malaking kayamanan, at ang magandang kalooban, kay sa pilak at ginto. )- KJV Isa sa pinaka- challenging na gawin ng isang magulang o magiging magulang ang pagpili ng pangalan para sa anak . Maraming paraan sa pagsasagawa nito. Mayroong gustong ipangalan sa isang kilalang indibidwal, isunod sa pangalan ng mga lolo at lola o ng magulang mismo, ngunit may ilan na mas pinipiling kakaiba ang ibigay sa kanilang anak. Minsan nama'y saka pa napagdedesisyunan ang pangalan kapag lumabas na ang bata at iparerehistro na. Kaya nga lamang, tayong mga anak ay may iba't- ibang reaksiyon patungkol sa natanggap nating pangalan noong na- realize natin kung ano ito—mayroong nasiyahan, nalungkot, nahiya o kayang naging kuntento nalamang. Sa ating mga Kristiyano, m...