Ang Mabuting Pangalan
Ang Mabuting Pangalan
April 23, 2023
(Jin Noriku Osei C. Cabral)
Proverbs 22:1
A good name is rather to be chosen than great riches, and loving favour rather than silver and gold.
(Ang mabuting pangalan ay maiging piliin, kay sa malaking kayamanan, at ang magandang kalooban, kay sa pilak at ginto.)- KJV
Isa sa pinaka- challenging na gawin ng isang magulang o magiging magulang ang pagpili ng pangalan para sa anak . Maraming paraan sa pagsasagawa nito. Mayroong gustong ipangalan sa isang kilalang indibidwal, isunod sa pangalan ng mga lolo at lola o ng magulang mismo, ngunit may ilan na mas pinipiling kakaiba ang ibigay sa kanilang anak. Minsan nama'y saka pa napagdedesisyunan ang pangalan kapag lumabas na ang bata at iparerehistro na. Kaya nga lamang, tayong mga anak ay may iba't- ibang reaksiyon patungkol sa natanggap nating pangalan noong na- realize natin kung ano ito—mayroong nasiyahan, nalungkot, nahiya o kayang naging kuntento nalamang.
Sa ating mga Kristiyano, madalas nating pagkunan ng inspirasyon ang Bibliya. Mahalaga sa atin ang kahulugan ng magiging pangalan ng ating magiging anak.
Mula pa man noong unang panahon, kakabit na ng pangalan ang pagkatao o identity ng isang tao. Madalas tayong mag lagay ng label sa isang tao gamit ang pangalan—mabuti o masama. Kung sakali mang hindi mabuti o hindi maganda ang naging kahulugan ng iyong pangalan, alalahanin mo na hindi nito mapipigilan ang nais na ipagawa sa iyo ng Dios.
Marami ang mga nahiwalay kay Kristo dahil sa kasalanan. Nadungisan ang minsa'y magandang pangalan. Mayroon namang gumagawa ng mga maruruming bagay, ngunit dahil sa kanilang pangalan, sila ay nagsasagana at nagiging tanyag pa. Pero alam mo ba na maaari mong baguhin ang iyong identity, na hindi ito mananatili sa label na ibinigay sa iyo ng tao? Huwag tayong mag- alala. Dahil sa pamamagitan ng dugo ni Kristo Hesus, na nabuhos sa krus ng kalbaryo, ay mahuhugasan at malilinis nito ang iyong pagkatao, babaguhin nito ang kahulugan ng iyong pangalan, bibigyan nito ng magandang imahe at kwento ang iyong pagkatao. Kailangan lamang nating ipahayag at ihingi ng kapatawaran ang ating mga kasalanan. Tanggapin si Kristo bilang Dios at Tagapagligtas at Siya'y sampalatayanan. Ipahayag na Siya ay Dios na napasalaman upang maging haing buhay at malinis para sa ating mga kasalanan, na Siya'y namatay at muling nabuhay at umakyat sa kaluwalhatian. Amen.
.png)
Comments
Post a Comment