Soul's Spring
Yes, we do compromise sa mundo na 'to. Sa lahat halos ng bagay. At maraming tao ang naka-based ang kaligayahan sa panlabas na sirkumstansya. Hangga't okay ang buhay nila walang problema walang gulo masaya sila. Tama naman yun pero bakit once na meron nang nagkasakit, mga rela-relasyon na na-breakdown, O dumating na ang mga pagsusubok parang nabura lahat agad ng saya na ineenjoy nung una. Uhaw na naman tayo sa maraming bagay at maraming aspeto ang bilis ma-drain ng self-conserved energy sa kalooban natin.
That's why we need a spring na alam nating di mauubos sa buhay natin. That in good times and in bad times kahit kumikirot man ang puso mo magagawa mo pa ring ngumiti, sumaya o magpasaya ng iba. Kasi may source tayo nun. (Offered by the Lord Jesus Himself) kaya kahit bigat na bigat na may kakaiba ka pa ring lakas para kayanin. Higit sa lahat at peace ka pa rin. Kasi tiwala ka na magiging maayos din ang lahat that "God got you!" He is your very present help. Di ka na masydong troubled sa mga nangyayari o mangyayari.
John 14:27
[27]Peace I leave with you, my peace I give unto you: not as the world giveth, give I unto you. Let not your heart be troubled, neither let it be afraid.
Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man.
(Jane G. Cabate)
Comments
Post a Comment